CALDAS, Colombia, Sept. 18, 2023 — Ang TrinaTracker, ang nangungunang tagapagbigay ng mga solusyon sa smart solar tracking na bahagi ng Trina Solar Co Ltd (SHA: 688599), ay pumirma ng isang kasunduan sa pagbebenta ng solar tracker sa Power Construction Corporation ng China (POWERCHINA), upang magbigay ng 108MW ng mga smart tracking system sa Tepuy Solar PV Park sa Colombia, kabilang ang mga pioneering Vanguard 1P tracker ng TrinaTracker, smart algorithms at Trina Smart Cloud platforms.
Ang Tepuy Solar PV Park ay nasa lalawigan ng Antioquia sa hilagang-kanluran ng Colombia. Ito ay binuo ng Medellin Electric Power Company, ang pinakamalaking kumpanya ng paglikha ng kuryente sa bansa. Isinasagawa ng POWERCHINA ang EPC na kabilang ang disenyo, supply, konstruksyon, pag-install at komisyon ng planta ng PV power. Ang TrinaTracker ang eksklusibong tagapagbigay para sa proyekto.
Ang mga Vanguard 1P tracker ng TrinaTracker ay dinisenyo para sa malalaking planta ng solar power sa patag na lupa. Ang disenyo ay nangangailangan ng mas kaunting mga driving system at controller kada megawatt, na nagreresulta sa pagbawas ng gastos sa materyales at pagtitipid sa mga oras ng paggawa sa panahon ng pag-install ng proyekto. Mas kaunting mga foundation ng haligi ay ginagawang mas mahusay na katugma ang produkto para sa mga robot na panlinis, at ang mga bi-damper system ay binabawasan ang tsansa na masira ang mga tracker sa malakas na hangin.
Ang smart tracking system ng TrinaTracker ay integrated sa tracker structure + algorithm + platform, at kabilang dito ang tracker control unit, SuperTrack, at Trina Smart Cloud monitoring platform. Ang system ay maaaring magdagdag ng hanggang 8% na kuryente kumpara sa mga conventional na solar tracking system. Nagbibigay din ito ng mas mahusay na mga function ng pagmonitor sa mga tracker habang gumagana ang system, na nagreresulta sa pagbawas ng mga gastos sa operasyon at maintenance ng kliyente, at pagbawas ng mga pagkawala ng kuryenteng nalilikha.
Ang Latin America ay isa sa mga pinakamahalagang merkado para sa mga solar tracker, at ang Colombia, isa sa mga pinakamalalaking ekonomiya sa rehiyon, ay may malaking potensyal para sa pag-unlad ng henerasyon ng kuryenteng photovoltaic. Sinasabi ng international consulting company na S&P Global na higit sa 80% ng mga lupa ng photovoltaic sa Latin America ay gumagamit ng mga solar tracker, na may penetrasyon ng merkado na mas mataas nang malaki kaysa sa 45% na global na average.
Ang pakikipagtulungan ng TrinaTracker sa proyektong Tepuy ay mabuting palatandaan para sa higit pang paglago sa merkado ng Latin America. Sa pamamagitan ng pagdadala ng pinakamodernong smart solar tracking technology sa rehiyon at pagbibigay ng comprehensive na disenyo ng system, delivery at after-sales service, patuloy na itutulak ng TrinaTracker ang pag-unlad ng mga proyektong photovoltaic sa Latin America, na nagdaragdag ng higit pang kailangan na luntiang enerhiya sa rehiyon.
SOURCE TrinaTracker